Kaibigan Soul Camp

Mamangha sa natural na kagandahan ng mga beach sa Pilipinas na kung saan makikita ang kayamanan ng kalikasan ng kalikasan, maimahinasyon, kaakit-akit at mapayapang kapaligiran. Dito ay iyong mararanasan ang mga kakaiba at makabuluhang mga gawain. Matututunan mo rin ang mga kultura at tradisyon ng mga taong naninirahan dito.Lasapin at namnamin ang masasarap at masusustansyang pagkain na dito mo lang matitikman at siguradong sulit at matutuwa ka sa iyong pagbabakasyon.
For Tagalog Speaking People

Lutong Pagkain

Dito ay iyong matitikman ang mga masasarap at masusustansyang pagkain na may halong "Kaibigan taste". Karamihan ng mga pagkain ay mga gulay at mga lutong pinoy na malikhaing dinagdagan ng sarili naming ideya at karanasan at pati na rin ng impluwensiya ng Thailang at Europa. Ang mga espesyal na ginagawa sa camp ay ang pagbabarbecue ng mga sariwang isda tuwing pag lubog ng araw, mga gawang bahay na tinapay,l enonades, ice tea at sariwang buko galing sa aming mga puno ng niyog. (coconut tree) Meron din kaming cooking sessions gamit ang aming outdoor kitchen kung saan iyong malalaman ang ibat-ibang paraan ng pagluluto kasama ang aming mga cooking crew.
For Tagalog Speaking People

Welcome to Kaibigan Soul Camp Palawan!

For Tagalog Speaking People

Lokasyon

Ang Palawan ay pang-anim sa pinakamalalaking isla sa Pilipinas na may hindi gaano karaming mamamayan. Ang Kaibigan Soul Camp ay nasa kanlurang bahagi,ang nag-iisang resort na matatagpuan sa cabuyao-isang maliit na pamayanan na sakop ng Barangay Napsan. Ang Cabuyao ay animnapong kilometro mula sa paliparan at sa City. Ang mini bus o shuttle ay pwedeng sakyan patungo rito.
For Tagalog Speaking People

Leisure Time

Ang mga taong gustong pumunta sa kaibigan soul camp ay talagang makahahanap ng masasayang adventure at makakakita ng magagandang tanawin at kapaligiran. Ang dalampasigan ,arae,at daat ay ang karaniwang solusyon sa kawili-wiling pagbabakasyon pero dito sa Kaibigan Soul Camp maraming bagay ang pwedeng gawin na talagang hindi niyo makakalimutan tulad na lamang ng Yoga sessions at cooking courses, meron ding pagliliwaliw sakay ng bangka, paglalaro ng basketball at higit sa lahat pag akyat ng puno ng niyog at mahusay na mabibiak ito. Ang lahat ng iyan ay iyong matutunan dito.

Sa mga gustong subukan ang pagpunta sa gubat na mayroong kasamang gabay at tagaakay na aming mga kaibi gan. Kabilang ang sleeping outdoor at pagtuturo ng kung paano manghuli ng isda sa dagat sakay ng bangka at kasama ang mga mangingisda sa mga gawain. Isa sa magandang paraan ng pagtuklas ng baybayin ay ang pagsakay sa isang baruto gamit ang sagwan (paddle). Iba pang mga gawain ay ang paglalangoy sa dagat at ang pamamasyal. Sa mga gustong mag relax, mayroon kaming garden at mga chill-out zones kung saan pwede kayong mamahinga. Dito sa Kaibigan Soul Camp ay mayroong maliit na art gallery kung saan ang mga sining ay ginawa ng mga local at European artist.

Kaya ano pang hinihintay ninyo? Halina sa Kaibigan Soul Camp! Hindi ka lang masisiyahan sa iyong bakasyon, kundi marami ka pang matututunan.